Love

"Whenever I watch romantic movies, witness couples kiss and make up, listen to love songs.. I smile and feel good 'cause I know that love still works, if not for me, at least to others." - Ally McBeal

Showing posts with label OPM's Finest. Show all posts
Showing posts with label OPM's Finest. Show all posts

Friday, February 13, 2015

Torete - Moonstar 88

Sandali na lang
Maaari bang pagbigyan
Aalis na nga
Maaari bang hawakan nang
iyong mga kamay
Sana ay maabot ng langit
ang iyong mga ngiti
Sana ay masilip

REFRAIN:
'Wag kang mag-alala
Di ko ipipilit sa'yo
Kahit na lilipad ang isip
ko'y torete sa'yo

Ilang gabi pa nga lang
Nang tayo'y pinagtagpo
Na parang may tumulak
nanlalamig nanginginig na ako

Akala ko nung una
May bukas ang ganito
Mabuti pang umiwas
Pero salamat na rin at nagtagpo

CHORUS:
Torete, torete, torete ako
Torete, torete, torete, sa iyo

(Repeat Refrain)
(Repeat Chorus)










Wednesday, February 11, 2015

Sulat - Moonstar 88



Sa kanyang mga mata
'Di mo makita na mahal ka n'ya
Dahil sa pagkakamaling nagawa no'ng kayo'y magka-eskwela pa

Sabi nya, ikaw lang ang mahal
Seryoso s'ya sa lahat ng pangako, sinta
Ikaw lang hinihintay maghapon hanggang mag-uwian na

Patawarin mo ako
Mapaglarong isipan
Mapapatawad mo ba ako
O sadyang makakalimutan
Ang mga sulat ko sa 'yo

May kanta ka pa sa kanya
Yun pala'y kanta mo din yon sa iba
Nalaman mong 'di lang pala ikaw ang pinaibig nya, haaah

Patawarin mo ako
Mapaglarong isipan
Mapapatawad mo ba ako
O sadyang makakalimutan
Ang mga sulat ko sa 'yo

Patawarin mo ako
Mapaglarong isipan
Mapapatawad mo ba ako
O sadyang makakalimutan
Ang mga sulat ko sa 'yo

Sabi nya, ikaw lang ang mahal
Seryoso s'ya sa lahat ng pangako, sinta

Patawarin mo ako
Mapaglarong isipan
Mapapatawad mo ba ako
O sadyang makakalimutan
Ang mga sulat ko sa 'yo

Patawarin mo ako
Mapaglarong isipan
Mapapatawad mo ba ako
O sadyang makakalimutan
Ang mga sulat ko sa 'yo




Tuesday, February 10, 2015

Ang pag ibig kong ito - Moonstar 88



Umiiyak ang aking pusong nagdurusa
'yan ay ayaw kong may makakita
Kahit anong sakit ang aking naranasan
'yan ay ayaw kong kanyang malaman

Refrain
Mga araw na nagdaan
Kailan ma'y hindi malilimutan
Kay tamis na araw ng pagmamahalan
Ang akala ko'y walang hangganan

Chorus
Ang pag-ibig kong ito
Luha ang tanging nakamit buhat sa'yo
Kaya't sa maykapal tuwina'y dalangin ko
Sana'y...

[repeat all]
...kapalaran ko ay magbago

[repeat refrain]






Friday, August 8, 2014

Magnanakaw by ASIN

INTRO

Ayon sa kasulatan, ayon sa mga nakaraan
Ayon sa mga nangyayari noon at sa nangyayari ngayon
Tayong mga Pilipino raw ay may ugaling magnanakaw
Mula pa no'ng unang panahon hanggang sa kasalukuyan
Ito kaya'y totoo, ito kaya'y nangyayari
Ito kaya'y nangyayari noon, nangyayari din kaya ngayon
Ito kaya'y dahil na rin sa ating katamaran
Hindi tapat sa gawain at sa iba'y nakikinabang

Tingnan mo ang iyong sarili, suriin mo ang iyong ginagawa
Ikaw ba'y isang magnanakaw at taong mapagsamantala
Hindi nagpapawis, hindi lumuluha
Ginagamit ang galing sa hindi tamang gawa


CHORUS:
Ang magnanakaw ay mapagsamantala
Madaling magkunwari, madaling makilala
balat kayong ginagamit kahit hindi sa pirata
Magnanakaw pa rin ang nakikita sa kanya


May nagnanakaw ng oras, talino at pawus
Pati ang galing kung minsay's ninanakaw rin
Ano kaya ang dapat gawin ngayong alam na natin
Dahil na rin ba sa katamaran, hahayaan nalang ba natin


Tingnan mo ang iyong sarili, suriin mo ang yong ginagawa
Ikaw ba'y isang magnanakaw at taong mapagsamantala
Hindi nagpapapawis, hindi lumuluha
Magnanakaw ng oras, galing at pawis ng iba


[Repeat Chorus]



Saturday, January 4, 2014

Pagbabalik by ASIN

INTRO

Sa gitna ng dilim
Ako ay nakatanaw
Ng ilaw na kay panglaw
Halos 'di ko makita
Tulungan mo ako
Ituro ang daan
Sapagkat ako'y sabik
Sa aking pinagmulan


CHORUS

Bayan ko, nahan ka
Ako ngayo'y nag-iisa
Nais kong magbalik
Sa iyo, bayan ko

Patawarin mo ako
Kung ako'y nagkamali
Sa landas na aking
Tinahak


Sa pagsibol ng araw
Hanggang dapit-hapon
Malamig na hangin
Ang aking kayakap


Huwag sanang hadlangan
Ang aking nilalandas
Sapagkat ako'y sabik
Sa aking sinilangan


[Repeat CHORUS]
AD LIB
[Repeat 2nd Stanza of CHORUS]


Friday, January 3, 2014

Tuldok by ASIN

INTRO

Ang tuldok ay may salaysay at may kahulugan
Na dapat mapansin at maintindihan
Kahit sino ka man ay dapat malaman
Na dito sa mundo ikaw ay tuldok lang

Kahit na ang araw sa kalangitan
Siya ay tuldok lamang sa kalawakan
Lahat ng bagay ay tuldok ang pinanggalingan
At kung masdang mabuti, tuldok ang uuwian


AD LIB

Tingnan mong mabuti ang 'sang katauhan
Maraming nag-aaway, tuldok lang ang dahilan
Sa aking nakita, ako'y natawa lang
'Pagkat ang nangyayari'y malaking kahibangan


Kaya wala kang dapat na ipagmayabang
Na ikaw ay mautak at maraming alam
Dahil kung susuriin at ating iisipin
Katulad ng lahat, ikaw ay tuldok rin